Linggo, Pebrero 26, 2012

Reyes Barbecue - Pavilion Mall Biñan Laguna

>>> 10.12.2011 <<<

Pagkatapos ng check-up ni May sa Biñan Doctors Hospital, nagpunta sila ni Dex sa Mercury Drugstore sa Pavilion Mall para bumili ng mga niresetang gamot sa kanya. Lunch time na rin kaya naghanap sila ng makakainan sa loob ng Pavilion Mall. Ngayon lang nila nakita ang branch ng Reyes Barbecue dito kaya naisip nila na dito nalang kumain. 

Dingding sa Kaliwa
Counter
Dingding sa Kanan



Is it really worth the wait??
Mukha ng mga Gutom?!

Molo Sotanghon Soup - Php55.00



Grilled Tuna Belly - Php160.00

Grilled Bangus Belly - Php105.00

Aanim lang ang lamesa na meron ang Reyes Barbecue dito. Medyo maliit ito kumpara sa sa ibang branches ng Reyes Barbecue na napuntahan na nila.  Umorder si May ng inihaw na bangus belly at molo sotanghon soup. Ang order naman ni Dex ay inihaw na tuna belly. Di nagustuhan ni May ang molo sa sotanghon soup niya kaya binigay nalang niya ito kay Dex. Hindi na rin kasi mainit ang java rice na kasama sa mga inorder nila, kung kaya umorder ulit si May ng extra plain rice. Si Dex tuloy ang kakain nang dalawang malamig na java rice. Masarap naman ang daw ulam ni Dex kaya ok na rin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento