Duma Antonio
Mga paglalakbay ko kasama sina Dex at May.
Lunes, Nobyembre 30, 2015
Linggo, Pebrero 26, 2012
Reyes Barbecue - Pavilion Mall Biñan Laguna
>>> 10.12.2011 <<<
Pagkatapos ng check-up ni May sa Biñan Doctors Hospital, nagpunta sila ni Dex sa Mercury Drugstore sa Pavilion Mall para bumili ng mga niresetang gamot sa kanya. Lunch time na rin kaya naghanap sila ng makakainan sa loob ng Pavilion Mall. Ngayon lang nila nakita ang branch ng Reyes Barbecue dito kaya naisip nila na dito nalang kumain.

| Dingding sa Kaliwa |
| Counter |
| Dingding sa Kanan |
| Is it really worth the wait?? |
| Mukha ng mga Gutom?! |
| Molo Sotanghon Soup - Php55.00 |
| Grilled Tuna Belly - Php160.00 |
| Grilled Bangus Belly - Php105.00 |
Aanim lang ang lamesa na meron ang Reyes Barbecue dito. Medyo maliit ito kumpara sa sa ibang branches ng Reyes Barbecue na napuntahan na nila. Umorder si May ng inihaw na bangus belly at molo sotanghon soup. Ang order naman ni Dex ay inihaw na tuna belly. Di nagustuhan ni May ang molo sa sotanghon soup niya kaya binigay nalang niya ito kay Dex. Hindi na rin kasi mainit ang java rice na kasama sa mga inorder nila, kung kaya umorder ulit si May ng extra plain rice. Si Dex tuloy ang kakain nang dalawang malamig na java rice. Masarap naman ang daw ulam ni Dex kaya ok na rin.
Sabado, Pebrero 25, 2012
Emilio Aguinaldo Shrine - Kawit Cavite
>>> 04.12.2008 <<<
Nagpunta kami nila Dex at May sa Binakayan Kawit Cavite para kumuha ng padala ni Mama Yayay. Since nasa Kawit na rin lang kami, pinuntahan na rin namin ang Dambanang Emilio Aguinaldo para mapasyalan ito.

| Kalayaan ng Pilipinas - Hunyo 12, 1898. |
| Ang Balkonahe. |
| Ang Dambanang Aguinaldo. |
| Ang likuran ng bahay. |
| Tandang Pangkasaysayan - June 12, 1998. |
| Monumento ng Heneral. |
| Emilio F. Aguinaldo (1869 - 1964) |
| Katitikan ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Bayang Filipino. |
| Ang English Translation. |
| Ang Mga Lagda. |
![]() |
| Ang Orihinal na Teksto. |
| Kanyon sa Bakuran. |
| Lumang Kotse ni Aguinaldo. |
| Ang puntod ni Hen. Emilio Aguinaldo na nasa likod ng bahay. |
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)